Umani ng matinding batikos si US President Donald Trump matapos siyang mag-post sa social media ng AI-generated image na nagpapakita sa kanya bilang “Jesus-like figure,” na kalauna’y binura.

Ang naturang larawan ay inilabas kasabay ng panibagong pagpuna ni Trump, Pangulo ng Estados Unidos, kay Pope Leo XIV, na tinawag niyang “weak on crime” at “terrible for foreign policy.”

Sa AI-generated image, makikita si Trump na nakasuot ng puting robe at tila nagpapagaling ng isang tao, habang may hawak na makinang na orb. Sa background naman ay makikitang mga simbolo tulad ng Statue of Liberty, agila, at fighter jets.

Nag-viral ang post at umani ng kritisismo mula sa ilang konserbatibong grupo at personalidad sa conservative circles, na nagsabing hindi nararapat na ginagawang “religious figure” ang isang politiko.

Advertisement

Ilang kritiko rin ang nagbabala na maaaring makaapekto ang naturang post sa suporta ng religious right, na isa sa mga mahalagang base ni Trump sa mga nakaraang halalan.

Nanatiling tikom ang White House tungkol sa insidente, habang kinumpirma na tinanggal na ang naturang post sa account ni Trump.

Advertisement