Pinaulanan ng limang drone at ilang rocket ang US Embassy sa Baghdad ngayong Martes, Marso 17, ayon sa mga lokal na sources sa Iraq. Inilarawan ang insidente bilang pinakamalakas mula nang magsimula ang digmaan ng US at Israel laban sa Iran.
Dalawa sa mga drone ang nabagsak ng C-RAM air defense system, ngunit ang isa ay tumama sa loob ng embahada. Nakarinig rin ng malalakas na pagsabog sa kabisera ng Iraq kasabay ng pag-atake.
Wala pang ulat kung may nasaktan o namatay sa insidente, habang patuloy ang imbestigasyon at seguridad sa paligid ng embahada.
Advertisement














