Sinabi ni US Presidnet Donald Trump na umuusad ang negosasyon ng Estados Unidos at Iran para mapahupa ang tensyon sa Gitnang Silangan, ngunit nagbanta ang Iran na posibleng isara ang Strait of Hormuz at magbukas ng iba pang front kung magpapatuloy ang aksyon ng Israel sa Lebanon.
Samantala, pinalawak ng Israel ang opensiba nito laban sa Hezbollah sa Lebanon, at nagbabala si Prime Minister Benjamin Netanyahu ng posibleng pag-atake sa Beirut kung hindi titigil ang pag-atake sa Israel, dahilan ng paglikas ng mga sibilyan.
Tumanggi muna ang Iran na pag-usapan ang nuclear program habang nagpapatuloy ang operasyon ng Israel at sinuspinde rin ang pakikipag-ugnayan sa mga tagapamagitan. Nagbabala rin ang Revolutionary Guards ng posibleng direktang digmaan at pagpapalawak ng labanan sa iba pang estratehikong lugar.
Habang nagpapatuloy ang operasyong militar ng US at Israel, nananawagan ang UN ng de-escalation, at patuloy na lumalala ang krisis sa Lebanon na may dumaraming biktima at lumikas na sibilyan.














