Umaasa si host-komedyante Vice Ganda na muling pag-iisipan ni dating Vice President at kasalukuyang Leni Robredo ang posibilidad na tumakbo sa pagkapangulo sa 2028, sa kabila ng nauna nitong pahayag na hindi na siya sasabak sa halalan.
Sa isang panayam, sinabi ni Vice Ganda na patuloy niyang susuportahan si Robredo, at binigyang-diin na maraming lider ang nagbabago ng desisyon dahil sa tinatawag na “clamor” o panawagan ng publiko.
Aniya, “Marami namang nagsabing kung sila lang, hindi na sila tatakbo pero dahil sa clamor at sa kagustuhan nilang makapagsilbi, nagbabago,” na tumutukoy sa posibleng pagbabago ng desisyon ng mga public servant.
Dagdag pa ng komedyante, ang pagtakbo sa pagkapangulo ay hindi lamang personal na desisyon kundi isang hakbang na nakabatay rin sa panawagan ng mga tao, kaya’t may pagkakataong nagbabago ang isip ng mga kandidato.
Samantala, ayon sa showbiz insider Ogie Diaz, patuloy umanong tumataas ang suporta para kay Robredo, lalo na matapos itong manguna sa ilang survey.
Ani Diaz sa isang Facebook post, ang lumalawak na suporta ay patunay na dumarami ang mga naniniwala sa kakayahan ng dating bise presidente.
Nagbigay rin ng pahayag si Rica Peralejo na nagsabing natutuwa siya sa kasalukuyang tungkulin ni Robredo sa lokal na pamahalaan, kung saan aniya ay iginagalang ito.
Paalala pa ni Peralejo, mahirap umanong magampanan ang liderato kung ang mismong mamamayan ay naaapektuhan ng fake news at politicking, bagay na maaaring makaapekto sa mga lider na may ambisyong pambansa.














