Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong Lunes, Abril 20, na iuuwi sa Pilipinas si dating kongresista Zaldy Co, na kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad sa Czech Republic, alinsunod sa umiiral na batas.

“We will bring Zaldy Co home and we will do so in accordance with the law,” pahayag ni Marcos sa harap ng mga mamamahayag.

Ayon sa Pangulo, inatasan na niya ang Department of Justice (DOJ) at Department of Foreign Affairs (DFA) na pangunahan ang proseso upang matiyak na susunod sa tamang legal na hakbang ang pagbabalik ni Co sa bansa.

Magpapadala rin umano ng high-level coordination team upang tutukan ang mga kinakailangang proseso kaugnay ng kaso at repatriation ng dating mambabatas.

Advertisement

Wala pang ibinibigay na karagdagang detalye ang Palasyo hinggil sa kasong kinahaharap ni Co at kung paano siya na-custody ng mga awtoridad sa Czech Republic.

Advertisement