NAGA CITY- Naagnas ng matagpuan ang katawan ng isang babae sa loob ng isang abandonadong kotse sa Maharlika Highway, Barangay Don Tomas, Sta. Elena, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Mary Ann Esguerra, 45-anyos, residente ng Barangay San Andres, Cainta, Rizal.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), napag-alaman na Huwebes, Hulyo 23 pa nang makita ng mga residente sa lugar ang kotse sa gilid ng kalsada.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa masangsang na amoy na nagmumula sa kotse, isang residente sa lugar ang lumapit na sa sasakyan at dito na nga nadiskubre ang bangkay ng biktima.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad lalo na sa posibleng dahilan ng pagkamatay ng biktima gayundin ang pagkakakilanlan at pagkakaresto ng suspek na nasa likod ng nasabing krimen.Top