NAGA CITY- Arestado ang isang High Value Individual (HVI) at isang drug personality sa magkahiwalay na buy bust operation sa Lucena City.

Kinilala ang HVI na si Miguel De Ocampo Gobrin Jr., 42-anyos, residente ng Brgy. Dalahican ng naturang lungsod.

Habang kinilala naman ang isa pang drug personality na si Christopher Muñoz Palimar, 41-anyos, residente naman ng Ibabang Dupay sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na una ng nakabili ng isang pirasong sachet ng pinaniniwalaang shabu ang isang pulis na nagpanggap bilang poseur buyer ki Gobrin.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nakumpiska pa dito ang 10 sachet ng pinaniniwalaang shabu at ilan pang drug paraphernalia.

Samantala, nakumpiska naman kay Palimar ang siyam na pirasong sachet ng pinaniniwalaang shabu at mga drug paraphernalia. Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.