Binatikos ni Deputy Speaker Janette Garin si Cavite 4th District Representative Francisco Barzaga at sinabing tila mas nakatuon umano ito sa pagkuha ng followers sa social media kaysa sa pagtupad sa kanyang tungkulin bilang mambabatas.

Sa isang online interview, sinabi ni Garin na ang mga “meow meow vlogs” at online posts ni Barzaga ay nagpapakita umano ng kakulangan sa seryosong pagtingin sa trabaho sa House of Representatives.

Ayon kay Garin, mas inuuna umano ng kongresista ang online popularity kaysa legislative work at mistulang ginagawang laro ang pagiging mambabatas.

Si Barzaga, na may mahigit 1.6 milyong followers sa Facebook, ay kilala sa pagpo-post ng maiikling vlogs kung saan tinatawag niyang “crocodile farm” ang plenaryo ng Kamara at bumabatikos sa kapwa mambabatas.

Advertisement

Sa kasalukuyan, nahaharap si Barzaga sa ilang reklamo sa House Committee on Ethics and Privileges at posibleng maharap sa expulsion kaugnay ng umano’y paulit-ulit na paglabag at mga online post na itinuturing na mapanira at nakapupukaw ng kaguluhan.

Advertisement