NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos saksakin ng sarili nitong kapatid sa Barangay San Vicente, Sipocot, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Gabriel Pedragosa, 25-anyos residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga kay Plt. Rowena Lin, ang Deputy Chief ng Sipocot Municipal Police Station, sinabi nito na habang nakikipag-inuman ang biktima sa bahay ng kapatid nito na si Bienvinido Pedragoza, 22-anyos, nang magkaroon ang dalawa ng mainit na pagtatalo.

Ito naman ang nag-udyok kay Bienvinido upang saksakin nito sa likod si Gabriel gamit ang kutsilyo na naging dahilan nang agaran nitong kamatayan.

Samantala, ayon kay Lin, agad naman na naaresto ang suspek at nasa kustodiya na ito ngayon ng mga awtoridad para sa karampatang disposisyon.