NAGA CITY- Patay ang isang mangingisda pagbubugbugin ng kapwa mangingisda sa Zone 4, Brgy Sabang, Calabanga, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Pastor Pajarillo Jr., 42-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLt. Mark Spaña, Deputy Chief of Police ng Calabanga Municipal Police Station, sinabi nito na nagkaroon ng mainit na argumento na nagresulta sa pagbubugbugan ng biktima at ng suspek na kinilalang si Roger Fernandez, 40-anyos, residente rin ng nasabing lugar.

Sinabi ni Spaña na dahil lamang umano sa hindi nairemit ni Pajarillo sa suspek ang pera sa pangingisda kung kaya nagpang-amok ang dalawa.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na habang nagsusuntukan ang biktima at suspek, dito na natumba si Pajarillo at nakatama ang ulo sa semento na naging dahilan para mawalan ng malay an biktima.

Dinala pa sa ospital ang biktima ngunit binawian na ito ng buhay.

Samantala, sinabi ni Spaña na bago umano ang nasabing insidente, nag-inuman pa si Fernandez at Pajarillo.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ans suspek para sa karampatang disposisyon.