NAGA CITY- Arestado ang isang 17-anyos na lalaki matapos na isagawa ang buy-bust operation sa Atimonan, Quezon.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na una ng nakabili sa suspek ang isang pulis na nagpanggap bilang poseur buyer ng isang sachet nin pinaniniwalaang shabu.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na nakumpiska sa suspek ang apat na sachet ng pinaniniwalaang shabu at mga drug paraphernalia.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.
Advertisement
Advertisement