Nahuli ng Philippine Coast Guard (PCG), sa pamamagitan ng Coast Guard District Bicol, ang isang forward truck na umano’y sangkot sa iligal na kalakalan at transportasyon ng produktong petrolyo nang walang kaukulang permit sa Tabaco Port, Tabaco City, Albay.

Isinagawa ang operasyon habang nagpapatupad ng random K9 paneling at routine inspection ng mga outbound cargo sa pantalan.

Ayon sa PCG, naharang ng mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station (CGSS) Tabaco ang naturang truck noong Abril 11 ng umaga, na may kargang produktong petrolyo na nakatakdang ibiyahe mula Tabaco City patungong San Andres Catanduanes.

Kaagad na nakipag-ugnayan ang CGSS Tabaco sa Maritime Safety Law Enforcement Group Bicol (MARSLEG-BCL) para sa tamang dokumentasyon, imbestigasyon, at legal na disposisyon ng insidente.

Advertisement

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may kaugnayan ang naturang biyahe sa mas malawak na ilegal na kalakalan ng produktong petrolyo sa rehiyon.

Advertisement