NAGA CITY – Patay ang isang motorcycle driver, habang sugatan naman ang angkas nito matapos ang nangyaring salpukan ng dalawang motorsiklo sa Maharlika Highway, Barangay Palong, Libmanan, Camarines Sur.

Kinilala ang driver na si Alex San Buenaventura, 36-anyos at ang backrider nito na si Armando Bascuñana.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSSgt. Emyrose Organis, tagapagsalita ng Libmanan Municipal Police Station, sinabi nito na habang binabaybay ni San Buenaventura ang kalsada pauwi sa kanilang bahay nang bigla itong mag-overtake kung saan dito na nito nakain ang kabilang linya na binabaybay naman ni Joel Morada, 26-anyos.

Aniya, dahil sa lakas ng impact tumilapon pa sa kalsada si San Buenaventura maging ang angkas nitong si Bascuñana.

Dahil sa nasabing insidente, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan sina Bascuñana at Morada.

Agad naman na dinala sa ospital ang mga biktima ngunit ideklara rin na dead on arrival ng mga doktor si San Buenaventura.

Dagdag pa ni Organis na medyo mabilis ang takbo motorsiklo na minamaneho ni ng biktima.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang mga isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.