NAGA CITY – Patay ang isang motorcycle driver habang sugatan naman ang isa pa matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Ocampo, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Ferdinand Tuazon, 43-anyos, residente kan Brgy, Cabangan Camalig, Albay.

Ayon kay ki PSSgt Denver Galos, ang imbestigador ng Ocampo Municipal Police Station, sinabi nito habang tinatahak ni Ferdinand Mujar gamit ang kanyang motorsiklo ang kasalda papunta sa lungsod ng Naga nang aksidenteng makasalpukan ang motorsiklo na minamaneho naman ni Tuazon na galing sa kabilang direksiyon.

Dahil sa insidente, nagtamo ng mga sugat an dalawang driver na agad naman na dinala sa ospital para sa asistensiya medikal ngunit ideneklarang dead on arrival ng mga doktor si Tuazon.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad dapit sa nasabing insidente.