Photo © web

NAGA CITY – Patay ang isa, habang sugatan ang dalawa pa sa nangyaring aksidente sa motorsiklo sa bayan ng Jose Panganiban, sa lalawigan ng Camarines Norte.

Kinilala ang nasawi na si alyas Bing, 53-anyos, habang kinilala naman ang mga sugatan na sina alyas “Fernando”, 42 anyos, residente ng Brgy. Daguit, Labo at alyas “Weng’, 44 anyos residente ng ng Malacbang, bayan ng Paracale.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, naganap ang aksidente kahapon Abril 17, 2025, sa Purok 1, Brgy. Sta. Rosa Sur, Jose Panganiban.

Ayon sa ulat, habang binabagtas ng isang motorsikol na minamaneho ni alyas Fernando, kasama ang backrider nito na sina alyas Bing at alyas Weng, ang kalsada mula sa bayan ng Paracale patungong Brgy. Luklukan Norte, bigla umanong pumutok ang likurang gulong nito. Dahil dito, nawalan ng kontrol ang driver at bumagsak ang motorsiklo.

Advertisement

Agad na dinala ng mga tauhan ng MDRRMO ang mga biktima sa Hospital subalit sa kasamaang-palad, idineklarang dead on arrival ang pasaherong si Bing. Habang patuloy pa na nagpapagaling ang driver at ang isa pang pasahero na si Weng.

Nasa kustodiya na ng Jose Panganiban MPS ang driver at ang motorsiklo para sa masusing imbestigasyon.

Advertisement