NAGA CITY – Patay na nang matagpuan ang isang lolo sa Sitio 6 Barangay Tongko, Tayabas City.

Kinilala ang biktima na si Mario Marin, 65-anyos, isang mechanic consultant, residente ng Barangay Macguiling, Calamba, Laguna.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na habang kumukuha ng damit sa isang kubo si Rose Ann Velasco nang makita nito ang nakahandusay na bangkay ng biktima.

Dahil dito, agad naman na humingi ng tulong si Velasco sa mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.

Samantala, wala namang nakitang indikasyon na nagkaroon ng foul play sa pagkamatay ng biktima.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.