NAGA CITY- Muling nakapagtala ng dalawang bagong positibo sa coronavirus disease ang Bicol Region, kung saan umabot na sa kabuuang 16 positive cases.

Sa datos ng Department of Health (DOH-Bicol) napag-alaman na isang 60-anyos na lalaki na mula sa probinsya ng Albay at 59-anyos na babae naman mula sa Camarines Sur ang bagong nagpositibo.

Ayon sa impormasyon ng DOH, ang nasabing 60-anyos na lalaki mula sa probinsya ng Albay ay kasalukuyang naka admit sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) at patuloy pang inaalam kung may posibleng travel history.

Habang ang nasabing ika-16th na nag positibo na mula sa CamSur ay mayroon umanong exposure sa mga unang nagpositibo sa nasabing sakit.

Sa ngayon, nakapagtala naman ng panibagong recovery ng nasabing sakit sa rehiyon habang nadagdag naman ang 12 Persons Under Investigation (PUIs).