NAGA CITY- Sugatan ang dalawang katao kasama na ang isang menor de edad matapos na mabangga ng motorsiklo sa Bula, Camarines Sur.
Kinilala ang mga biktima na sina Domingo Orciga, 58-anyos at ang isang 13-anyos na bata, residente ng nasabing bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng BOmbo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas ng motorsiklo na minamaneho ni Ruel Melitante, 37-anyos, residente ng Bgy. Lawa, Meycauayan, Bulacan ang provincial road ng Brgy. Panoypoyan, Bula, Camarines Sur nang aksidente nitong mabangga ang mga biktima na bibili sana ng ulam at tinapay.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na nagtamo ng tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng kanilang mga katawan ang mga biktima na agad na naman na dinala sa ospital para sa asistensya medical.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa kaukulang disposisyon.