NAGA CITY- Sugatan ang dalawang indibidwal matapos ang salpukan ng dalawang motorsiklo sa Barangay Ibid, Libmanan, Camarines Sur.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Adel Aashure San Jose, 21-anyos, at Ronald Chris Enriquez, 33-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na habang minamaneho ni San Jose ang isang motorsiklo nang makasalpok ito sa motorsiklo na minamaneho naman ni Enriquez mula sa kabilang linya.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa kanilang katawan sina San Jose at Enriquez na kaagad naman na dinala sa ospital para sa asitensiya medikal.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon kan mga awtoridad hinggil sa insidente.