NAGA CITY- Sugatan ang dalawang lalaki matapos magkabanggaan ang dalawang motorsiklo sa Ragay, Camarines Sur.

Kinilala ang mga nasugatan na sila Hans Denver Bayeta, 18-anyos, residente ng Zone 1, Brgy. Port Junction at si Virgilio II De Rama, 42-anyos, residente naman ng Zone 4, San Rafael, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas ni Bayeta gamit ang motorsiklong pinag mamaneho nito ang direksyon ng northbound papuntang Del Gallego, sa nasabing probinsya ng aksidente nitong mabangga ang kaliwang bahagi ng motorsiklo na minamaneho rin ni De Rama na binabaybay rin ang kaparehong linya na ma-U-turn sana.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan sila Bayeta at De Rama na agad ring dinala sa ospital para sa asistensya medikal.

Samantala, sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid pa na walang plate number, walang LTO OR/CR at walang lisensya si Bayeta habang wala ring lisensya si De Rama.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa nasabing insidente.