Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalaya sa 24 na Pilipinong nakulong sa Irkutsk, Siberia sa Russia dahil sa mga isyu kaugnay ng immigration.

Ayon sa Pangulo, halos siyam na buwan na nakadetine ang mga naturang Pilipino bago sila napalaya sa pamamagitan ng direktang kautusan ni Russian President Vladimir Putin. Ikinagulat umano ni Putin ang kalagayan ng mga Pilipino nang maiparating sa kanya ang usapin.

Ginawa ni Marcos ang pahayag sa isang Kapihan with Media, kung saan ibinahagi niyang kanyang tinalakay ang sitwasyon ng 24 na Pilipino sa bilateral meeting nila ni Putin.

Binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng maayos na ugnayang diplomatiko sa pagtugon sa mga suliraning kinahaharap ng mga Pilipino sa ibang bansa. Nagpasalamat din siya sa pamahalaan ng Russia sa agarang aksyon na nagresulta sa pagpapalaya ng mga kababayan.

Advertisement
Advertisement