Nasawi ang tatlong hikers matapos ang pagsabog ng Mount Dukono volcano sa Indonesia nitong Biyernes, Mayo 8, habang nasagip ng mga rescuer ang natitirang miyembro ng 20-kataong grupo na nawala matapos ang insidente.

Ayon sa mga awtoridad, agad na rumesponde ang rescuers at nailigtas ang karamihan sa mga kasapi ng grupo, subalit may dalawa umanong naiwan pansamantala upang tumulong sa paghahanap sa mga labi ng mga biktima.

Sinabi ng mga opisyal na ang grupo, na kinabibilangan ng siyam na Singaporean nationals, ay nagtungo sa bulkan sa kabila ng umiiral na climbing ban sa lugar.

Batay sa Volcanological Survey of Indonesia, sumabog ang Mount Dukono alas-7:41 ng umaga (local time) at nagbuga ito ng makapal na abo sa kalangitan.

Advertisement

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad kung paano nakapasok ang grupo sa ipinagbabawal na hiking area.

Ang Mount Dukono ay isa sa pinaka-aktibong bulkan sa Indonesia at kilala bilang destinasyon ng mga hiker at turista, sa kabila ng mga panganib nito.

Advertisement