Pormal nang nagbitiw sa kaniyang tungkulin bilang bise presidente ng Indonesia si Gibran Rakabuming Raka, anak ng dating pangulong si Joko Widodo, nitong Miyerkules, Nobyembre 11.

Naugnay ang kaniyang pagbibitiw sa mga katanungan tungkol sa pagiging kuwalipikado niya sa posisyon matapos mahalal noong 2024.

Sa ilalim ng umiiral na patakaran sa halalan, kailangang hindi bababa sa 40 taong gulang ang isang kandidato. Gayunman, 36-anyos pa lamang si Gibran nang isumite niya ang kaniyang kandidatura.

Naging usapin din ang kaniyang kwalipikasyong pang-edukasyon matapos kuwestiyunin ang pagtugon niya sa itinakdang minimum na requirement para sa naturang posisyon.

Advertisement

Nauna nang ipinasa ni Gibran ang kaniyang resignation kay Indonesian President Prabowo Subianto, na nakasama niya bilang running mate noong 2024 elections kung saan nagwagi ang kanilang tambalan.

Advertisement