NAGA CITY- Arestado ang tatlong indibidwal sa ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad sa Lucena City.

Kinilala ang mga suspek na sina Alyas Lady, 32-anyos; alyas Kyla, 27-anyos; at alyas Evad, 24-anyos, pawang mga residente ng Brgy. Market View sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na binili ng poseur-buyer ang isang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet ng ilegal na droga mula sa mga suspek na nagresulta sa operasyon.

Sa pat-down search, nakumpiska rin ng mga pulis kay Alyas Evad ang isang pirasong P500 at isang pouch na naglalaman ng apat(4) na piraso ng heat sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang droga.

Sa kabuuan, ang mga nasamsam ay tumitimbang ng 15 gramo at nagkakahalaga ng humigit-kumulang P306,000.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ngayon ng mga awtoridad ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon.