NAGA CITY- Arestado ang tatlo katao sa isinagawang dalawang magkahiwalay na buy bust operation sa Lucena City.

Kinilala ang mga suspek na sina Carlito Rastrullo alyas Bicol, 51-anyos; Christian Rastrullo, 33-anyos at Liwanag Geñoso alyas Anag, 43-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), nabatid na unang naaresto ng mga awtoridad sina Carlito at Christian kung saan nakabili dito ang nagpanggap na poseur buyer ng isang pakete ng pinaniniwalaang shabu at nakumpiska pa sa dalawa ang limang piraso ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P32, 640.

Samantala, gamit naman ang P500 bilang buy bust money, nakabili kay Geñoso ang nagpanggap na poseur buyer ng isang pakita ng pinainiwalaang shabu kung saan, nakumpiska rin dito ang limang pirasong pakete ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P13,260.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon.