NAGA CITY – Patay ang tatlo katao matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang dump truck sa Sitio Tramo, Bgry. San Isidro, Sagñay, Camarines Sur.

Kinilala ang mga namatay na sina Remy Collantes, at dalawa pang menor de edad.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa PNP-Sagñay, lumabas sa inisyal na imbestigayon na habang binabaybay ng motorsiklong minamaniho ni Collantes ang daan papuntang Brgy. Nato, Sagñay nang nawalan ito ng kontrol sa sasakyan pagdating sa palikong bahagi ng nasabing daan.

Dahil dito kinain ng motorsiklo ang kabilang linya na nagresulta sa aksidenteng pagkakabangga nito sa Dump Truck na minamaniho naman ni Ronnie Balla.

Nagkaroon ng physical injuries si Collantes at dalawa pang back rider nito na agad namang isinugod sa ospital ngunit idineklara nang dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon nasa kustudiya na ng mga otoridad ang driver ng dump truck para sa karampatang disposisyon.