NAGA CITY-Sugatan ang apat katao kasama na ang isang miyembro ng Philippine Army matapos mabangga ng isang side car ang isa pang motorsiklo sa Libmanan, Camarines Sur.
Kinilala ang mga sugatan na sina Manuel Delo Santos, 35-anyos, Carl Andrei Ramos, 19-anyos, Angelo Tejada at Aljon Rodriguez, 29-anyos.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na habang tinatahak ng motorsiklo na minamaneho ni Rodriguez papunta sa Ragay sa nasabing lalawigan nang mabangga ng side car na minamaneho naman ni Delo Santos lulan sina Ramos at Tejada.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na nagtamo ng mga sugat sa kanilang katawan ang apat na indibidwal na kaagad namang dinala sa pagamutan para sa paunang lunas.
Patuloy pa ang imbestigasyon hinggil sa insidente.