NAGA CITY- Patuloy na nagpapagaling ngayon sa ospital ang lima katao habang dead on the spot naman ang apat na iba pa sa nangyaring aksidente sa Barangay. Tara, Sipocot, Camarines Sur.

Sa panyam ng Bombo Radyo Naga kay PSMS Jonas Deyto ng Sipocot Municipal Police Station sinabi nito na napag-alaman na mula sa Metro Manila ang nasabing mga biktima at patungo sana sa probinsya ng Albay.

Ayon kay Deyto, nawalan ng kontrol ang driver ng Toyota Hi-Ace Van na kinilalang si Raul Bea, 46-anyos na nagresulta ng pagkamatay nito at ng tatlong pasahero nito ba kinilalang sina Mark Vincent Bellen, 34-anyos, Cesar Beronio, 60-anyos, at John Dave Brozelas.

Kaugnay nito nagtamo naman ng malalang tama ang iba pang pasahero na kinilala namang sina Analiza Broselas, 49-anyso, Joan Bayan, 26-anyos, Efraim Ceriola, 27-anyos, Glenda Mendoza,54-anyos at Marites Abante, 39-anyos.

Base sa imbestigasyon, self-Accident ang nangyari kung saan napunta sa kabilang linya ng kalsada ang nasabing van at bumongo sa nakaparadang motorsiklo sumunod sa puno ng accacia at gumulong-gulong.

Sa ngayon nananatiling nasa Bicol Medical Center ang nasabing mga biktima habang nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasambing insidente.