NAGA CITY – Grumaduate sa senior high school, partikular sa San Jose National High School, ang isang 56-anyos na lola mula sa San Jose, Camarines Sur.

Sa nagin panayam ng Bombo Radyo Naga kay Erlinda Deseo, ang 56-anyos na senior high school graduate, sinabi nito na isa sa kaniyang kahilingan ay ang makapagtapos ng pag-aaral.

Aniya, nagpursigi ito na makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng kanyang edad. Dahil kagaya rin ng kanyang anak na nakapagtapos na rin sa kolehiyo, gusto rin nitong makamit ang kanyang pangarap lalo na ang makakuha ng diploma.

Ayon kay Deseo, ang edukasyon kasi umano ang kailan man hindi makukuha ng kahit na sinuman.

Samantala, inamin rin ni Deseo na nagkaroon ito ng problema sa pag-aaral lalo na pagdating sa pinansyal, ngunit sa kabutihang palad, natapos nito ang senior high school sa tulong na rin ng kanyang pagsisikap at tiyaga.