NAGA CITY – Patay ang isang lolo matapos malunod sa Calauag, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Virgilio Sumbre Canete, 60-anyos residente ng Brgy. Talingting sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nagpaalam umano ang biktima sa kaniyang kamag-anak na mangingisda lamang ito sa karagatang sakop ng nasabing barangay nang hindi na ito makauwi.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman pa na sa kapareho ring araw, natagpuan ang wala nang buhay na katawan ni Canete habang nagpapalutang-lutang sa may pampang nang nasabing karagatan.

Advertisement

Samantala, wala namang nakitang foul play sa nasabing insidente.

Sa ngayon, nagpaatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa pangyayari.

Advertisement