NAGA CITY- Kakaibang mga pangyayari ang nasaksihan ng mga tao sa mga karagatan na matatagpuan sa lalawigan ng Camarines Sur sa pagpasok pa lamang ng buwan ng Marso.
Ito’y matapos matagpuan ang dalawang patay na oarfish sa bayan ng Pasacao, pagsadsad ng isang pawikan sa baybayin ng Cabusao at pagdagsa naman ng banye-banyerang isdang sa karagatan na sakop nang Caramoan, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Wheng Briones, Spokesperson ng The Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Bicol, sinabi nito na mayroong iba’t ibang kadahilanan kung bakit nangyayari ang mga ganitong insidente.
Paliwanag ng opisyal ang oarfish ay isang sea creatures na nasa pinakailalim na parte ng dagat, kaya kung makikita umano ito sa mababaw na parte ng karagatan, mayroong mga triggering factors, ibig sabihin mayroong mga disruptions at pwedeng may mga pagbabago sa kanilang natural habitat, kung saan pwedeng pagbabago sa weather conditions, water temperature o pagbabago sa water current.
Kaya naman naghahanap umano ito ng stable na lugar na kagaya ng kanilang habitat at sa paghahanap na ito nagkakaroon sila ng dis-orientation kaya napadpad ito sa mababang parte ng karagatan.
Kaugnay naman sa isang pawikan na sumadsad sa baybayin ng Cabusao, Camarines Sur, sinabi ni Briones na kung ang mga residente sa lugar ay walang training sa ganitong pangyayari ay pwede silang magdirekta sa kanilang lokal na pamahalaan at sa kanilang Municipal Agricultures Office (MAO) para maipa-abot umano ng mga ito sa karampatang national agency para ma-handle ang ganitong sitwasyon.
Sa kabilang banda, ipinaliwanag naman ni Briones na ang pagdagsa ng banye-banyerang isa sa Caramoan ay hindi umano isang pangitain kung saan maaaring asahan ang pagtama ng malakas na kalamidad.
Binigyan diin pa nito season ng alamang na siyang pangunahing pagkain ng mga isang espada kaya dumagsa umano ito sa mababaw na bahagi ng nasabing karagatan.
Hindi rin ito ang unang pagkakataon na dumagsa ang nasabing isda dahil maaalala, noong nakaraang buwan ng Enero dumagsa rin ito sa nasabing bayan.
Sa ngayon, panawagan na lamang ng opisyal sa publiko na kung mayroong mangyaring ganitong mga insidente ay kaagad na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan o sa Municipal Agricultures Office o maging sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pamamagitan ng kanilang social media accounts.