NAGA CITY – Ikinamangha ng mga residente sa bagahi ng Calaguas Island sa lalawigan ng Camarines Norte ang pagkakahuli nang isang dambuhalang Lapu-lapu.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Wheng Briones, Spokesperson ng BFAR-Bicol, sinabi nito na nakumpirma ng kanilang tanggapan na mahigit 100 kilo ang Lapu-lapu na nahuli sa lalawigan ng Camarines Norte partikular sa Calaguas Island.
Ayon sa mangingisda na nakahuli sa nasabing isda, hindi ito kinaya ng kanya bangka kaya humingi siya ng tulong. Nabili rin umano ang isda sa halagang mahigit P20,000.
Ayon pa kay Briones, hindi naman ipinagbabawal na ibenta ang nasabing isda lalo pa’t ito ay karaniwang lumalaki hanggang 400 kl at may haba na 2.3 metro.
Dagdag pa nito, ang pagkakahuli ng ganoon kalaking isda ay nagpapakita na mayaman ang nasabing dagat dahil kumakain ng maliliit na isda ang Lapu-lapu kung saan, makikita rin sa paglaki nito na maraming isda sa lugar.
Samantala, hindi naman ito ang unang pagkakataon na may nahuling dambuhalang isda sa naturang sa lalawigan kaya masasabing mayaman at diverse ito pagdating sa Marine life.