Ginagamit na ngayon ng mga sundalo ang online platform upang ibahagi ang kanilang mga naratibo sa publiko.

Ayon kay Major Frank Roldan, Tagapagsalita ng 9th Infantry Division Philippine Army, sa isang panayam sa Bombo Radyo Naga, ito na ang panahon upang gamitin ang platform upang maiparating ang kanilang mga naratibo sa mga tao.

Sa kasalukuyan, aniya, 80% ng mga Pilipino ang gumagamit nito sa populasyon na may 120 milyon.

Sinabi nila na ang kanilang layunin ay itaguyod ang kanilang organisasyon at basagin ang mga stereotype sa mga sundalo.

Advertisement

Tulad noong dekada 1980 kung saan naging hindi propesyonal ang mga sundalo na malayo na sa panahon ngayon.

Dagdag ng opisyal na ipinapakita nila ang disiplina at kahandaan ng mga sundalo na ipagtanggol ang mga tao.

Bukod dito, namamahagi rin sila ng mga produktong Bicolano at mga payo sa pagganyak hindi lamang para sa mga sundalo kundi pati na rin para sa publiko.

Advertisement