Nagbabala si Zia Alonto Adiong, chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, na posibleng tumaas ang pagkalat ng deepfakes, trolls, at fake news online habang isinasagawa ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Adiong na inaasahan na niya ang paglitaw ng disinformation habang tumataas ang atensyon ng publiko sa impeachment process. Binanggit pa niya na may biro ang kanyang mga kasamahan tungkol sa mga trolls na kumikita sa pagkalat ng maling impormasyon.

“I expect it… at least nakakatulong din tayo dun sa mga walang trabaho kasi nabibigyan sila ng pera para maging trolls,” ani Adiong.

Sinabi rin niya na bahagi na ng kasalukuyang political landscape ang manipulated content at false narratives online, ngunit nanawagan sa publiko na maging mapanuri at maingat sa kanilang nakikita sa social media.

Advertisement

“Ito ang kalakaran ngayon. Pero ang atin lang, tayo sa publiko kailangan maging discerning tayo… karamihan po diyan ay hindi tama at hindi totoo,” dagdag niya.

Binigyang-diin ni Adiong ang kahalagahan ng kaligtasan ni Ramil Madriaga, whose affidavit ay bahagi ng impeachment complaints laban kay VP Duterte. Pinayuhan niya ang mga ahensya ng seguridad na tiyaking ligtas si Madriaga habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Ayon sa kongresista, kritikal ang testimonya ni Madriaga sa pag-verify ng mga alegasyon sa komite. Aniya, “portions of the impeachment, under complaint number three and number four, are the affidavit of Madriaga.”

Sa kabila ng mga seryosong alegasyon, iginiit ni Adiong na may buong access sa legal remedies ang Vice President habang inihahanda niya ang kanyang depensa.

“All legal remedies are available to her… lahat ng possible legal remedies ay puwede niyang gawin upang maipagtanggol ang sarili,” ani Adiong.

Advertisement