Nanawagan si Sen. Risa Hontiveros ng pagpasa ng P52.8-bilyong supplemental budget upang matugunan ang epekto ng nakaambang pagtaas ng presyo ng langis bunsod ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan.

Ayon sa senador, kabilang sa panukalang pondo ang P12 bilyon para sa transport subsidy, P2.8 bilyon para sa agricultural subsidy, at hindi bababa sa P38 bilyon bilang emergency fund para sa repatriation at reintegration ng mga apektadong overseas Filipino workers.

Ibinigay ni Hontiveros ang panawagan habang inaasahang tataas ng P17 hanggang P24 kada litro ang presyo ng langis ngayong linggo, ayon sa pahayag ng Department of Energy. Aniya, kinakailangan nang paghandaan ng pamahalaan ang posibleng malawakang epekto ng oil price hike sa ekonomiya at sa kabuhayan ng mga Pilipino.

Advertisement