Maglalabas ang Japan ng humigit-kumulang 80 milyong bariles mula sa kanilang private at national oil reserves simula Marso 16 upang mapagaan ang epekto sa global oil markets at maiwasan ang kakulangan sa suplay dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan at Iran war, ayon sa Ministry of Economy Trade and Industry (METI).

Ayon sa METI, malaki ang magiging epekto sa Japan kung tuluyang magsasara ang Strait of Hormuz, ruta ng humigit-kumulang 70% ng oil imports ng bansa. Binanggit ng isang opisyal na ang hakbang na ito ay hakbang upang maiwasan ang posibleng supply disruption at sharp volatility sa presyo ng langis sa global market.

Pinangunahan ni Prime Minister Sanae Takaichi ang anunsyo ng release, na nakatakdang magsimula sa Marso 16. Ang plano ng Japan ay bahagi rin ng mas malawak na coordinated release na pinangungunahan ng International Energy Agency (IEA). Kapag naaprubahan ng IEA ang coordinated release, ang oil stocks ng Japan ay maisasama sa kabuuang bilang na ilalabas upang tugunan ang kasalukuyang krisis sa langis.

Ang hakbang na ito ay itinuturing na preventive measure habang patuloy ang Iran war at patuloy na nagdudulot ng panganib sa suplay ng langis sa buong mundo. Nakatuon ito sa pagpapanatili ng market stability at pagtiyak na hindi maaapektuhan ang energy security ng Japan at ng iba pang bansa na umaasa sa Strait of Hormuz para sa kanilang oil imports.

Advertisement
Advertisement