Tumaas ang bilang ng mga walang trabaho sa Pilipinas sa Enero 2026, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), na nag-ulat ng 2.96 milyong jobless na Pilipino mula sa 2.26 milyon noong Disyembre 2025.
Ayon kay Deputy National Statistician Divinia Gracia del Prado, kabilang sa mga walang trabaho ang mga indibidwal na edad 15 pataas na aktibong naghahanap ng trabaho. Sa kabuuang 50.89 milyong kalahok sa labor force, ang unemployment rate ay umakyat sa 5.8%, mas mataas kaysa sa 4.4% noong Disyembre 2025 at 4.3% noong Enero 2025.
Ipinapakita nito na sa bawat 1,000 manggagawa, 58 ang walang trabaho o hanapbuhay sa nasabing panahon.
Advertisement










