Umabot sa 500 katao ang inaresto sa Iran dahil umano sa pagbibigay ng impormasyon sa mga kalaban, ayon sa ulat ng kapulisan.
Ayon kay Ahmadreza Radan, hepe ng Islamic Republic police, kalahati ng mga naaresto ay sangkot sa seryosong insidente, kabilang ang pagtulong sa pagtama sa mga target.
Sa hilagang-kanlurang bahagi ng Iran, nasa 20 katao ang inaresto dahil sa pagbibigay ng lokasyon at detalye ng military sa Israel.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad kung paano nakakalusot ang mga sensitibong impormasyon na ibinibigay ng mga naarestong indibidwal.
Advertisement
Advertisement














