Tinanggihan ng mga lider ng Europa ang kahilingan ni US President Donald Trump na tulungan silang gawing ligtas ang pagdaan ng mga barko sa Strait of Hormuz, ayon sa isinagawang pulong ng European Union sa Brussels.

Ayon kay German Foreign Minister Johann Wadephul, wala silang planong makilahok ang kanilang militar sa anumang kaguluhan sa Iran, at kinakailangan nila ng malinaw na konteksto sa usaping ito, lalo’t hindi ito giyera na kanilang sinimulan.

Sinang-ayunan ang posisyon na ito ng ilang miyembro ng North Atlantic Treaty Organization (NATO).

Magugunitang hiniling ni Trump sa mga lider ng Europa na samahan ang US upang protektahan ang pagdaan ng mga barko sa Strait of Hormuz laban sa posibleng pag-atake ng Iran, subalit nanatiling tumanggi ang mga European leaders.

Advertisement
Advertisement