Photo © web

Kinumpirma ni US Secretary of Defense Pete Hegseth na kailangan ng Estados Unidos ang karagdagang pondo na umaabot sa $200 bilyon upang tuluyang mapagtagumpayan ang kanilang operasyon laban sa Iran.

Ayon kay Hegseth, mahalaga ang agarang pag-apruba ng US Congress sa karagdagang pondo upang maiwasan ang anumang negatibong epekto sa operasyon. Iginiit niya na ang pondo ay gagamitin para sa pagpapatuloy ng kampanya ng militar sa rehiyon.

Ipinagmalaki rin ng kalihim ang nagawa ng US at Israel sa pagsira ng maraming pasilidad militar ng Iran bilang bahagi ng patuloy na operasyon.

Samantala, patuloy ang debate sa US Congress kung aaprubahan ang hiling na karagdagang pondo para tuluyang wakasan ang giyera sa Iran.

Advertisement
Advertisement