Isinasagawa ngayong araw ng Biyernes, Marso 20 ng Metro Naga Development Council (MNDC) sa pamamagitan ng Tourism, Culture and Arts Cluster ang isang mahalagang pagpupulong na layong palakasin ang turismo at kultura ng lungsod, partikular na sa programang Journeying in Faith: Naga Faith Tourism Circuit.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Allan Salvador, Municipal Agriculturist ng LGU San Fernando, sinabi niyang dadalo sa pagpupulong ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang lokal na pamahalaan sa Metro Naga, mga lider ng simbahan, at mga stakeholders sa turismo. Tatalakayin dito ang mga hakbang upang higit pang mapalakas ang faith touris, lalo na sa nalalapit na Holy Week. Ang layunin naman ng pagpupulong, pagpapalakas ng Journeying in Faith Circuitbilang pangunahing atraksyon ng Naga. Pag-uugnay ng mga simbahan, museo, at heritage sites sa iisang ruta ng peregrinasyon. Pagpaplano ng mga kultural na aktibidad na magtatampok sa tradisyon ng Bicol at Pananampalaya. Pagbuo ng mga estratehiya sa promosyon upang makaakit ng mas maraming turista mula sa loob at labas ng bansa.
Dagdga pa ni Salvador ang pagpupulong ay hindi lamang nakatuon sa turismo kundi sa pagpapatibay din ng identidad ng Naga bilang Pilgrim City at ng mga karatig bayan. Inaasahan na ang mga programang ilalatag ay magdudulot ng masiglang ekonomiya, dagdag na oportunidad para sa lokal na negosyo, at mas matibay na pagkakaisa ng mga LGU sa Metro Naga.
Binibigyang-diin ng opisyal na ang turismo sa Naga ay nakaugat sa pananampalataya at kultura. Ang Journeying in Faith Circuit ay magsisilbing tulay upang mas makilala ng mga bisita ang kasaysayan, debosyon, at pamana ng lungsod at mga karatig bayan.
Dagdag pa ni Salvador, ang pagpupulong ngayong araw ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas organisado at masiglang turismo sa Naga at mga karatig bayan.














