Hinimok ng Malacañang Palace ang publiko na magkaisa at makipagtulungan sa gobyerno habang nararanasan ng bansa ang pagtaas ng presyo ng langis at paghina ng piso dulot ng krisis sa Middle East.
Ayon kay Palace Undersecretary Atty. Claire Castro, mahalaga ang pagtutulungan sa gitna ng hamon ng pandaigdigang sigalot sa pagitan ng United States, Israel, at Iran. Iginiit niya na batid ni Ferdinand Marcos Jr. ang hinaing ng publiko, ngunit hindi kasalanan ng pamahalaan ang sitwasyon.
Dagdag pa ni Castro, prayoridad ng Pangulo ang pagbibigay ng agarang ayuda, kabilang ang fuel subsidy at tulong pinansyal sa sektor ng transportasyon, upang maprotektahan ang kapakanan ng mga commuter at driver.
Hinihikayat din ng Malacañang ang publiko na magtiwala sa mga hakbang ng gobyerno at makiisa sa pagtugon sa patuloy na krisis.








