Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatupad ng bagong three-term school calendar simula Hunyo 2027, kung saan tatlong grading period na lamang ang gagawin sa halip na apat na quarter.

Ayon kay Vladimer Quetua, Former President of Alliance of Concerned Teachers, sinabi nito na layunin ng ahensya na mapataas ang kalidad ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng pagbabagong ito. Gayunman, marami sa mga guro ang nagpahayag ng pangamba na hindi nito matutugunan ang mga pangunahing suliranin ng sektor.

Sa ilalim ng bagong sistema, tatlong beses na lamang kukuha ng pagsusulit ang mga mag-aaral mula elementarya hanggang junior high school. Mananatili naman ang midterm at final exams sa senior high school. Bagama’t nananatili ang 201 school days, iginiit ng mga guro na hindi nadaragdagan ang mga pasilidad, libro, at suplay na matagal nang kulang sa mga paaralan.

Mga Pangunahing Puna ng mga Guro: Hindi natutugunan ang kakulangan sa pasilidad gaya ng silid-aralan, klinika, at aklat. Dagdag trabaho pa rin ang dulot ng mga seminar, training, at non-teaching tasks gaya ng paggawa ng forms. Mababa pa rin ang sahod ng mga guro, kaya’t muling nananawagan ng dagdag na ₱5,000 allowance at umento sa sweldo.

Advertisement

Ipinaliwanag nito ang mga posibleng epekto sa mga Mag-aaral: Tatlong beses na lamang ang pagsusulit kada taon. Posibleng mas bumigat ang academic load dahil sa mas pinahabang grading period. Mananatiling hamon ang kalidad ng edukasyon sa kabila ng pagbabago.

Naniniwala ang mga guro na ang pagbawas sa bilang ng grading period ay hindi makapagbibigay ng makabuluhang pagbabago. Ang tunay na pangangailangan ay mas mataas na pondo, mas maayos na pasilidad, at makataong kondisyon sa pagtuturo upang matugunan ang krisis sa edukasyon.

Advertisement