Photo©Web

Naglabas ang Department of Budget and Management ng ₱16.5 bilyon para sa Department of Public Works and Highways sa pamamagitan ng Notice of Cash Allocation (NCA) upang matiyak na hindi maaantala ang mga proyektong pang-imprastraktura sa bansa.

Ayon sa DBM, nakalaan ang pondo para sa pagbabayad ng mga due at demandable accounts payable ng DPWH, kabilang ang mga natapos at kasalukuyang proyekto sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Binigyang-diin ni Rolando Toledo ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na implementasyon ng mga infrastructure projects upang maiwasan ang pagkaantala at matiyak ang agarang pakinabang nito sa publiko.

Dagdag pa niya, inaasahang makakatulong ang naturang pondo sa paglikha ng mas maraming trabaho, lalo na sa sektor ng konstruksyon.

Advertisement

Maaari nang i-download ng DPWH ang pondo at ipamahagi ito sa kanilang mga implementing units sa lahat ng 17 rehiyon sa bansa upang agad na maipagpatuloy ang mga proyekto.

Advertisement