Inihayag ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim nitong Huwebes, Marso 26, na nakipag-ugnayan siya sa mga lider ng Iran, Egypt, Turkey, at iba pang regional countries upang payagan ang mga barko ng Malaysia na makadaan sa Strait of Hormuz.
Sa kanyang televised address, nagpasalamat si Anwar sa Pangulo ng Iran sa pagpayag na makadaan ang mga Malaysian oil tankers. Ayon sa kanya, kasalukuyang pinapalaya ang mga barko at mga manggagawang kasangkot upang makabalik sila sa Malaysia.
Ipinahayag ni Anwar na mahirap ang sitwasyon dahil sa damdamin ng Iran na paulit-ulit silang nilinlang, at nahihirapan silang tanggapin ang hakbang tungo sa kapayapaan nang walang malinaw at binding na security guarantee.
Sa kabila nito, tiniyak ng pamahalaan ng Malaysia na mananatili ang oil price subsidies at iba pang hakbang upang mapahupa ang epekto ng supply disruptions. Ayon kay Anwar, “For us now, we are compelled to manage the situation because the effects of the blockade at the Strait of Hormuz, the war, and the halted supply of oil and gas all have an impact on us.”














