Nanawagan si Sen. Erwin Tulfo sa pamahalaan at pribadong sektor na magpatupad ng work-from-home at carpooling schemes upang matulungan ang mga manggagawang apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.
Ayon kay Tulfo, kung hindi kinakailangan ang pisikal na presensya ng empleyado, maaaring ipagpatuloy ang work-from-home setup, lalo na sa mga trabahong tulad ng planning, research, administrative tasks, at customer service.
Para naman sa mga kailangang pumasok, iminungkahi ng senador ang carpooling o ride-sharing system, partikular sa mga sektor tulad ng manufacturing, hotel, restaurant, at ospital, upang mabawasan ang gastos sa biyahe.
Dagdag pa niya, maaari ring gamitin ang ride-hailing apps at hati-hatian ang pamasahe, lalo’t dumarami ang stranded na pasahero dahil sa kakulangan ng bumibiyaheng PUV bunsod ng mataas na presyo ng fuel.











