Maagang ipinagdiwang ni beauty icon at founder ng Center for Health Improvement and Life Development (CHILD) na si Ricky Reyes ang kanyang ika-76 na kaarawan kasama ang mga batang may cancer sa CHILD Haus sa Maynila.

Ginawa ang selebrasyon nitong Linggo, Marso 29, 2026 sa opisina ng organisasyon, kung saan nakasama ni Reyes ang mga batang pasyente na kanyang tinutulungan sa pamamagitan ng CHILD Haus.

Bilang pasasalamat, nagbigay ang mga batang may cancer ng mga sulat-kamay na liham kay Reyes at kay CEO Hans Sy, bilang pagkilala sa kanilang patuloy na suporta at malasakit.

Kabilang sa mga dumalo sa okasyon sina Sergio Yu, Manny Sy, Jun Gaw, Eisa Mercado, Darling De Jesus, Gigi Lara, Flor Santos, at Gwen Pang ng Philippine Red Cross. Nakiisa rin sa pagdiriwang ang mga miyembro ng pamilya ni Reyes na sina Connie Canlas, Toneyte Moreno, at Les Reyes.

Advertisement

Ang naturang selebrasyon ay naging makabuluhan hindi lamang bilang paggunita ng kaarawan, kundi bilang patunay ng patuloy na pagtulong at pagbibigay pag-asa sa mga batang may karamdaman.

Advertisement