Photo© web

Naghayag ng interes si US Pres. Donald Trump na hikayatin ang mga Arab countries na tumulong sa pagbabayad ng pinsala dulot ng giyera sa Iran.

Ayon kay Karoline Leavitt, layunin ng Pangulo na suportahan ang mga bansang apektado upang makabangon mula sa epekto ng kaguluhan.

Magugunitang nagbanta si Trump na wawasakin ang mga energy facilities ng Iran kung hindi ito tutugon sa peace deal na isinusulong ng United States.

Samantala, sinabi ni Marco Rubio na inaasahan nilang matatapos ang giyera sa loob ng ilang linggo at mapipigilan ang Iran sa paggawa ng nuclear weapons.

Advertisement
Advertisement