Magpapaso na ang ceasefire sa pagitan ng Estados Unidos at Iran sa gabi ng Miyerkules, Abril 22 (Washington time), ayon kay US President Donald Trump.
Ayon kay Donald Trump, mataas ang posibilidad na hindi na palawigin ang ceasefire kung walang mabubuong kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa.
Inaasahan din ni Trump na maaaring magpatuloy ang labanan sakaling mabigo ang ikalawang yugto ng negosasyon.
Ngayong Martes, lilipad patungong Pakistan si US Vice President JD Vance kasama ang ilang matataas na opisyal ng Estados Unidos bago ang inaasahang ikalawang round ng pag-uusap.
Sa kabila nito, nagpahayag ng kumpiyansa si Trump na dadalo ang panig ng Iran sa negosasyon, kahit na nauna nang tumanggi ang bansa at iginiit na walang magaganap na usapan sa kasalukuyan.













