Ipinatupad ang mahigpit na seguridad sa White House sa pagbisita nina King Charles III at Queen Camilla sa Estados Unidos, kasunod ng kamakailang tangkang pag-atake kay US President Donald Trump.

Sa kabila ng heightened security, magiliw na sinalubong nina President Donald Trump at First Lady Melania Trump ang royal couple sa isang red carpet welcome sa White House.

Nagsagawa rin ng afternoon tea sa Green Room at ipinakita ang bagong White House beehive sa South Lawn bilang bahagi ng mga aktibidad sa pagbisita.

Nakatakdang magbigay ng address si King Charles III sa US Congress sa Abril 28, kasabay ng state dinner na inihanda sa White House.

Advertisement

Kasama rin sa programa ang pagbisita sa 9/11 Memorial sa New York bilang bahagi ng paggunita sa ika-250 anibersaryo ng kasarinlan ng Estados Unidos.

Sa kabila ng mga tensyon kaugnay ng conflict sa Iran, iginiit ng monarkiya na nananatiling matatag ang relasyon ng United States at United Kingdom.

Advertisement